Spain vs France sa q’finals

BARCELONA, Spain – Muling maghaharap ang magkaribal na Spain at France sa quarterfinals ng Basketball World Cup matapos manalo sa kani-kanilang laban sa round of 16 nitong Sabado.

Umiskor si Pau Gasol ng 13 sa kanyang 17 points sa first quarter nang ilampaso ng host Spain ang Senegal, 89-56 para manatiling walang talo matapos ma-sweep ang kanilang 5-games sa group phase.

Kinailangan namang maghabol ng France, upang sibakin ang Croatia, 69-64 makaraang umiskor si Nicolas Batum ng 14 points at nagtala naman si Evan Fournier ng 13 para sa  European champion.

Nagharap ang dala-wang bansang ito sa huling dalawang summers kung saan tinalo ng Spain ang France sa 2012 Olympics at nakabawi ang France sa European championship noong nakaraang taon.

Tatlong araw pa lamang ang nakakaraan, tinalo ng  Spain ang France 88-64 sa group phase. Maghaharap uli sila sa Miyerkules sa Madrid.

Sa kabilang side ng bracket sa Barcelona, umusad naman ang United States at Slovenia at maghaharap nitong Martes.

Nagtala si Stephen Curry ng anim na 3-pointers at umiskor ng 20 points para sa magaang panalo ng US kontra sa Mexico, 86-63.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 15 points sa Palau Sant Jordi Pavilion para manatili ding walang talo ang USA.

Tinalo naman ng Slovenia ang Dominican Republic, 71-61 sa kapa-na-panabik na laban ng dalawang team na magkaiba ang styles at napakaraming scoring runs.

Umiskor si Zoran Dra-gic ng 18 points at ang kanyang kapatid na si Goran ng Phoenix Suns ay may 12 para sa  ball-motion offense ng Slovenia habang pinangunahan ni James Feldeine ang running game ng  Dominican Republic sa kanyang 18 points.

Sa iba pang round-of-16 matches, kalaban ng Lithuania ang New Zealand at haharapin naman ng Turkey ang Australia sa Barcelona. Ang Argentina ay haharap naman sa Brazil habang ang Greece ay mapapalaban sa Serbia sa Madrid.

 

Show comments