Blatche puwedeng pang-MVP

SEVILLE, Spain – Maaaring maging major contender si Gilas Pilipinas naturalized player Andray Blatche para sa MVP award kung makakalampas ang koponan sa preliminary round at makapasok sa knockout stage ng 2014 FIBA World Cup.

Bumandera si Blatche, isa sa higit sa 40 NBA players na naglalaro sa 24-team meet, sa kanyang double-double average pati sa rebounds at ikaapat sa sco-ring at No. 6 sa efficiency.

Ang nine-year NBA veteran at si Gorgui Dieng ng Senegal ang tanging isa pang double-double performer sa torneo kung saan nagtatala si Blatche ng 21 points at 13.7 rebounds per game at ang Senegalese ay may 22 markers at 11.7 boards.

Sa efficiency, nakatabla ni Blatche (66.0) sa ikaanim sina Slovenian Goran Dragic at Dominican Francisco Garcia sa likod nina Dieng (80.0), Pau Gasol ng Spain (76.0), Luis Scola ng Argentina (73.0) at Anthony Davis ng USA (70.0) at Kenneth Faried (70.0).

Bilang tanging dominant post ng Gilas, nagposte si Blatche ng ave-rage na tournament-best na  13.7 rebounds a game kasunod nina Dieng (11.7), Omar Asik ng Turkey (9.3), Eulis Baez ng Dominican Republic (9.0), Hamed Haddadi ng Iran (9.0), Eloy Vargas ng Dominican Republic at Croatian Ante Tomic (8.7).

Nakisalo si Blatche sa ikaapat sa scoring  kay Garcia sa ilalim nina Gasol (23.7), Luis Scola ng Argentina (23.0) at Dieng.

Ang iba pang Top 10 scorers ay sina Dragic (20.3), Jose Barea ng Puerto Rico (20.0), Croatian Bojan Bogdanovic (19.0), Davis (19.0) at ang dating PBA import na na-ban na si Renaldo Balkman (18.0).

Pumuwesto rin si Blatche sa steals sa pakikipagtabla sa 10th place sa likod nina  James Har-den (9th) at Stephen Curry (8th) ng USA.

Ang kaso, marami ring error si Blatche. Ang mga pambato ng Iran na sina Haddadi at Nikkhah Bahrami ay may pinagsamang 33 errors habang si  Blatche ay nag-turnover ng 14 beses.

Sa efficiency, si June Mar Fajardo ang best placed Filipino player bilang No. 72 habang si Jimmy Alapag ay nasa No. 84.

Si Alapag ay No. 17 sa  assists katabla sina NBA stars Curry at Kyrie Irving. Nangunguna sa playmaking department sina Fin-nish Petteri Koponen (7.3), Argentines Facundo Campazzo (6.0) at Pablo Prigioni (6.0), Spanish Ricky Rubio (6.0) at Eugene Jeter  ng Ukraine (5.7).

Kasama rin si Alapag sa pinakamahuhusay sa three-point shooting. Isa siya sa 30 players na nagtala ng  at least 50 percent.

Pinakamatitinik sina Lithuanian teammates Jonas Maciulis (75%) at Adas Juskevicius (71.4%). (NB)

Show comments