Sharapova darating sa bansa
MANILA, Philippines - Mabibili na ang mga tiket para sa Manila leg ng International Premier Tennis League (IPTL), ayon sa mga organizers.
Ang three-day passes para sa Manila event na nakatakda sa Nobyembre 28-30 ay mabibili sa SM Tickets.
Ang mga presyo ng tiket ay P2,500 para sa general admission hanggang sa pinakamataas na P49,000 para sa VIP na may kasamang red carpet entry.
Ang bawat three-day pass ay magbibigay sa ticket holder na panoorin ang mga laro na magsisimula sa alas-4 ng hapon sa Mall of Asia Arena na magtatampok sa ilang pinakamahuhusay na tennis players sa mundo.
Ang Manila Mavericks ay kabibilangan nina Maria Sharapova at Andy Murray bilang top players kasama sina Jo-Wilfried Tsonga, Kirsten Flipkens, Daniel Nestor, Carlos Moya at Philippine No. 1 Treat Huey.
Ang iba pang players na darating sa Manila ay sina Serena Williams, Ana Ivanovic, Eugenie Bouchard, Thomas Berdych at Gael Monfils.
- Latest