LUCENA City , Philippines – Pinamunuan nina Philippine Air Force Airman Anthony Nerza at Philippine Army Private Janice Tawagin ang labanan sa 21-kilometer event sa Lucena leg ng 38th National MILO Marathon Qualifying Race kahapon.
Nagsumite si Nerza ng bilis na 01:12:12 para talunin sina Richard Salaño (01:12:39) at Elmer Sabal (01:16:07).
Nagreyna naman si Tawagin sa kanyang tiyempong 01:29:59 kasunod sina Jeany Rose Hari (01:44:57) at Rose Ann Valencia (02:03:01)
Ang 25-anyos na si Nerza at ang 23-anyos na si Tawagin ang makakabilang sa 50 runners na tatakbo sa National Finals na nakatakda sa Disyembre 7 sa Mall of Asia grounds sa Pasay City.
Sina Nerza at Tawagin ay kapwa tumangap ng premyong P10,000.
Ang hihiranging Marathon King at Queen ng MILO ang isasabak sa 2015 Tokyo Marathon.