LOS ANGELES -- Mananatili si Doc Rivers sa Los Angeles Clippers sa susunod na limang taon.
Sa kanyang unang malaking hakbang bilang bagong team owner, binigyan ni Steve Ballmer si Rivers ng isang contract extension hanggang 2018-19 season.
Sinabi ni Ballmer na isa sa kanyang mga prayoridad ay panatilihin si Rivers bilang long-term leader ng koponan.
Si Rivers ang naging stabilizing force para sa prangkisa makaraang magka-issue si dating team owner Donald Sterling kaugnay sa racist remarks nito na naging daan sa kanyang pagkakasibak matapos ang 33 taong pagmamay-ari ng Clippers.
“Not only is Doc one of the best coaches and executives in the game, but he continually embodies the hardcore, committed and resilient character and winning culture that the Clippers represent,’’ sabi ni Ballmer.
Sa testimonya ni interim CEO Dick Parsons sa laban ni Sterling sa korte kontra sa dati niyang asawa, sinabi niyang aalis si Rivers sa koponan kung patuloy na si Sterling ang magmamay-ari ng LA Clippers.
“I didn’t think I was going to have to, honestly,’’ sabi ni Rivers. “But I think a lot of us would have been willing to, for sure.’’