Donaire vs Walters

MANILA, Philippines - Lalabanan ni WBA ‘super” world featherweight champion Nonito Donaire Jr. ang kapwa niya kampeong si Nicholas Walters ng Jamaica sa Oct. 18 sa Carson City, California, ayon sa isang boxing website.

Ayon sa report ng Philboxing.com, sasagupain ni Donaire si Walters, may hawak ng “regular” version ng WBA featherweight title, bilang co-featured bout sa laban nina WBO middleweight boss Gennady Golovkin at Marco Antonio Rubio.

Ito ay gagawin sa Stub Hub Center sa Carson City.

Ang undefeated na si Walters, tubong Montego Bay, Jamaica ay napanood sa undercard ng laban ni Donaire kay Simpiwe Vetyeka noong Hunyo sa Macau kung saan niya pinatumba si Vic Darchinyan sa fifth round.

Sa kanyang punching power at skill, dalawang beses pinabagsak ni Walters (24-0, may 20 knockouts) si Darchinyan sa second at fifth rounds patungo sa kanyang panalo.

Sa main event, inagaw ni Donaire ang korona ni Veteyka via fifth round technical decision win.

Nauna nang sinabi ng Filipino-American fighter na mas gusto niya ng unification bout at hindi tune-up fight para sa susunod niyang laban.

“When I came up to 126, I didn’t have a tune-up. When I came up to 122, I didn’t have a tune-up. When I went up in weight to 118, I didn’t have a tune-up. If there’s a challenge there, I’ll go for it. I’m always willing to fight anybody,” sabi ni Donaire kay Luis Sandoval ng boxingscene.com

 “We want to get another title match. Either defend the title or fight another champion. I’m always the type of fighter that will challenge other champions out there. If I’m in that division, I will challenge you.”

 

Show comments