MANILA, Philippines - Para sa Rain or Shine, mas makakabuti kay Paul Lee kung makakapag-concentrate siya sa kanyang tungkulin sa Gilas Pilipinas.
Itinanggi nina Rain or Shine team owners Raymond Yu at Terry Que na may kausap na silang team para sa posibleng trade.
“We’re not in talks with any of the 11 other teams for a deal involving Paul. Speculations on the internet aren’t true. We’ll let him concentrate with Gilas, and we’ll put everything in the right way. In the end, the signing rights on him will still be with us,” pahayag ni Yu. “If ever there would be a trade, we’ll make sure the trade is fair. As we’ve been saying, we’ll only agree on a trade for a quality big man or something of equal value,” sabi ni Yu.
Dahil hindi na sigurado kung babalik pa sa team si Lee, handa nang makipag-usap ang Rain or Shine para sa isang deal na sangkot si rookie draftee Kevin Alas.
Bago ang draft, nakipag-usap si Lee kay coach Yeng Guiao sa telepono at nagsabi siyang gusto niyang ma-trade sa ibang team.
Hiniling ito ni Lee bagama’t ang dating UE star ay inalok ng contract-extension deal na nagkakahalaga ng P15.1 million sa loob ng tatlong taon na siyang maximum salary na pinapayagan ng PBA.
Sinabi ni Guiao na pipilitin pa rin nilang mapapirma si Lee sa kanyang pagbabalik.
Binatikos din ni Guiao ang mga handlers ni Lee dahil sa ginawa nilang komplikasyon para sa 2012 Rookie of the Year awardee.
Samantala, sa kagustuhan ng San Mig Coffee na mapanatiling intact ang kanilang fourth-feat team, pinapirma nila ang isa pang key player na si Joe Devance sa maximum P10.08-million deal na dalawang taong kontrata.
Pumirma na rin ng bagong kontrata sina Jonas Villanueva (NLEX), Mike Cortez (Meralco), John Wilson (Meralco) at Jason Ballesteros (Meralco).
Ang No. 27 pick na si Maclean Sabellina ng Blackwater Sports ay ang unang draftee na maagang nakapirma. Binigyan siya ng one-conference contract.