May misyon ang Batang Gilas
MANILA, Philippines - Tangka ng Batang Gilas na muling makabalik sa world stage sa pakikipagharap sa Chinese Taipei sa quarterfinals ng 23rd FIBA-Asia Under-18 Championship sa Al-Gharafa Gym sa Doha, Qatar.
Naungusan ng mga Pinoy na sinuportahan ng MVP Sports Foundation at Smart, ang Malaysians, 72-69, noong Lunes upang ipuwersa ang kapana-panabik na pakikipagharap sa mga Taiwanese na nilalaro habang sinusulat ang balitang ito kahapon.
Ang panalo ng Nationals na nagtagumpay ng tatlong beses sa limang laro sa group stages, ang magtutulak sa kanila sa semis kung saan muli silang haharap sa isang knockout game sa mananalo sa China-Kazakhstan showdown.
Magbibigay din ito sa Batang Gilas ng dalawang pagkakataon para makakuha ng isa sa nakatayang tatlong slots sa 2015 FIBA U-18 World Championship na gagawin sa Greece na ngayon pa lamang mangyayari kung sakali.
Ang tatlong iba pang quarters pairing ay South Korea laban sa Japan at Iran versus Malaysia na ngayon pa lamang nakapasok sa quarters sa kasaysayan ng torneo.
Sa ilalim ni coach Jamike Jarin, nagawang lampa-san ng Batang Gilas ang mabigat na hamon para makopo ang silver medal sa FIBA-Asia U-16 Championship sa Iran noong nakaraang taon para makapasok sa FIBA U-17 World sa Dubai para magtapos bilang 15th placer sa 16 na naglaban.
Nakapagpahinga ng isang araw ang mga partisipante dahil sa rest day ngunit ginamit ito ng Batang Gilas para makabuo ng strategy laban sa Chinese Taipei.
- Latest