Batang Gilas pasok sa quarterfinals

MANILA, Philippines - Tinalo ng Batang Gilas ang Qatar, 82-79, para ma­kapasok sa quarterfinal round ng FIBA-Asia Un­der-18 Championship sa Al-Gharafa Sports Club sa Do­ha, Qatar.

Bumangon ang ko­po­­nan mula sa 15-point de­ficit sa fourth quarter pa­ra sa kanilang panalo.

Naiwanan ng Qatar sa 53-68 sa huling walong mi­nuto sa laro, kumamada ang Batang Gilas ng isang 10-2 atake para sik­watin ang kanilang 2-1 re­cord sa torneo.

Umiskor si Dave Wil­son Yu ng 16 points kasunod ang tig-13 nina Paul Desiderio, Ranbill Tongco at Kobe Paras.

Ni­­lalabanan ng Natio­nals ang China ha­­bang isi­­nusulat ito.

 

Show comments