Rose isinama sa Team USA para sa FIBA World Cup

NEW YORK -- Pi­nanatili ng U.S. national bas­ketball team si Derrick Rose, ngunit inilaglag naman si Damian Lillard at tatlong iba pa bago ang FI­BA World Cup.

Inihulog mula sa trai­ning pool sina Kyle Kor­ver, Gordon Hayward at Chandler Parsons matapos talunin ng Americans ang Puerto Rico, 112-86, sa kanilang huling exhibition game bago magtungo sa Spain.

Nauna nang inihayag ng mga team officials na po­sibleng magdala sila ng higit pa sa 12 players  su­balit sinabi ni coach Mike Krzyzewski na gusto ni­yang 12 lamang ang isama para sa World Cup.

Inasahan nang mapa­pa­bilang si Rose sa Team USA bagama’t hindi nakalaro sa nakaraang dalawang NBA seasons matapos ang dalawang knee sur­geries.

Maliban kay Rose, ang iba pang nasa ko­­po­nan pa­ra sa World Cup ay sina Ste­phen Curry, An­­thony Da­vis, James Har­­den, Ky­rie Irving, De­­Marcus Cou­sins, Klay Thompson, An­dre Drummond, Rudy Gay, DeMar De­Rozan, Ken­neth Faried at Mason Plumlee.

Show comments