San Beda, La Salle-Greenhills namuno sa 90th NCAA swimming competition

MANILA, Philippines - Sumisid ng mga gintong medalya ang San Be­da College at La Salle-Greenhills sa Day One ng 90th NCAA swimming competition kaha­pon sa Rizal Memorial Pool.

Kaagad na hinirang na paborito sa pool events, bu­mandera ang mga Sea Lions at Lionesses sa li­kod ng mga panalo nina Fran­ces May Cabrera, Jo­se Mari Sebastian Arcilla, Christian Dimaculangan, Andrei Lorenzo Manzo at ang kanilang mga men’s at women’s 200-meter freestyle relay teams na pa­wang mga bagong NCAA record.

Bumasag din ng re­kord ang mga Junior Bla­zers mula sa pamumuno ni­na Mark Romiquit, An­drae Pogiongko at ang ka­nilang 200-m freestyle re­lay squad sa high school division.

Nagtala si Cabrera ng bilis na 04: 49.78 sa 400-m freestyle event na bu­masag sa 4:50.59 na kan­yang itinala noong nakaraang taon.

Naorasan naman si Ar­cilla ng bagong 1:02.74 sa 100-m backstroke.

Inangkin  ni Dimacu­la­ngan ang ginto at ang ba­gong record sa 100m backstroke sa seniors section sa bilis na 1:01.30, ha­­bang bumandera si Man­­zo sa 200m indivi­dual medley sa bago niyang oras na 2:13.92.

Pinamunuan ni Cab­re­ra ang 200-m free relay wo­men’s team kasama si­na Carla Michaela Chua, Patricia Ella Garcia at Lorelie Lora at sina Wilfredo Sunglao, Jr., Joseph Lance Sanone, Lorenz Joshua Fran­­cisco at Joshua Junsay ang nanalo sa men’s di­vision sa kanilang mga ba­gong oras na 1:57.71 at 1:39.01, ayon sa pagkaka­su­nod.

Inangkin naman ni Ro­­miquit ang ginto sa 100-m butterfly at nana­ig si Pogiongko sa 200-m IM sa kanilang mga ba­gong rekord na 58.61 at 2:15.18, ayon sa pagkaka­sunod.

Puntirya ng San Beda ang kanilang ika-13 sunod na men’s championship at pang-17 sa kabuuan.

Layunin naman ng San Beda lady tankers na mu­ling pag­reynahan ang ka­ni­lang event sa ikaapat na su­nod na season.

Samantala, hangad ng mga swimmers ng La Salle-Greenhills ang ka­ni­lang pang-11 dikit na high school title at ika-17 sa ka­buuan.

 

Show comments