Adopt an Olympian sponsors hanap ni Juico

MANILA, Philippines - Hihikayat ng mga private sponsors ang bagong Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president na si Philip Ella Juico para mapa-lakas ang kanilang mga programa.

Sa panayam ng Channel 23 noong Martes ng gabi, sinabi ni Juico na hahanapan niya ng ‘Godfather’ ang kanyang mga atleta para sa kanilang ‘Adopt an Olympian Program.’

“We will be looking for sponsors to adopt them for training for Olympic Games and other big international sports events,” ani Juico, ang dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon kay Juico, may 13 atleta na siyang napili, kasama na dito si long jumper Marestella Torres, para sa nasabing programa. Naniniwala si Juico sa kakayahan ng mga Filipino athletes.

”Our athletes have the skills and talents but beyond that, we have to enter into the sports sciences, medicines, conditioning, proper diet and nutrition,” sabi ni Juico.

Si Juico ang pumalit kay Go Teng Kok na pinamunuan ang athletics association sa loob ng 22 taon ngunit nabigong makapagbigay sa bansa ng kauna-unahang gintong medalya sa Olympic Games.

Siyam na atleta ang hangad maipadala ni Juico para sa darating na 2014 Asian Games sa Incheon, Korea sa Setyembre.

“We are hoping to win a medal or two in the Asian Games,” ani Juico. (RC)

 

Show comments