MANILA, Philippines - Isang basketball-for-a-cause ang gagawin ng NCAA ngayon sa kauna-unahang All-Star Game sa The Arena sa San Juan City.
Sa ganap na ika-2:30 ng hapon, magtutuos ang mga paaralang naggrupu-grupo para mabuo ang East at West team.
Si San Beda coach Boyet Fernandez ang hahawak sa East team na bubuuin ng mga manla-laro ng Red Lions, Perpe-tual Help Altas, Arellano Chiefs, San Sebastian Stags at host Jose Rizal University Heavy Bombers.
Sa kabilang banda, si Letran coach Caloy Garcia na didiskarte sa West team na kumuha ng manlalaro sa Knights, St. Benilde Blazers, Emilio Aguinaldo College Ge-nerals, Mapua Cardinals at Lyceum Pirates.
Tampok na manlalaro sa East ay sina Earl Scottie Thompson, Juneric Baloria at Harold Arboleda, Baser Amer at Arthur dela Cruz ng San Beda at Philip Paniamogan ng JRU habang sina Kevin Racal at Mark Cruz ng Letran, Mark Romero at Paulo Taha ng St. Benilde at Joseph Gabayni ng Lyceum ang magdadala sa West.
Sa ganap na ika-10:30 ng umaga magsisimula ang aktibidades at ito ay pagtukoy kung sino ang kikilalanin bilang Ms. NCAA.
Susunod dito ang mga side events na 3-point shootout at slam dunk dakong ala-1 ng hapon.
Hangarin ng All-Star Game na ito ang makalikom ng pondo na ang iba ay itutulong sa mga batang naninirahan sa Hospicio de San Jose.
Bukod pa ito sa pa-ngangalap ng pondo para itulong sa mga kasama-hang nangangailangan ng tulong pinansyal at mga atletang maglalaro sa kompetisyon sa labas ng bansa.