^

PM Sports

Nangunguna si Kiefer Ravena

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasuklian ang magandang ipinakita ni Kiefer Rave-na para sa Ateneo Eagles sa first round ng 77th UAAP men’s basketball matapos lumabas bilang number one sa karera para sa Most Valuable Player (MVP) award.

Nakalikom si Ravena ng nangungunang 80 total statistical points  (TOTSPs) upang iwanan ang kamador ng La Salle Green Archers na si Jeron Teng na mayroong 61.7143 TOTSPs lamang.

Ang kakampi ni Ravena na si Chris Newsome ang nasa ikatlong puwesto sa 60.4286 habang sina Mark Belo ng FEU Tamaraws at Karim Abdul ng UST Tigers ang kukumpleto sa unang limang puwesto sa 57.7143 at 56.1667.

Lider ang Eagles matapos ang first round sa 6-1 karta at si Ravena ang nagdodomina sa laro matapos pangunahan ang scoring at assists.

May kabuuang 161 puntos matapos ang pitong laro si Ravena para sa 23 average at kinatampukan ito ng pagtatala sa pinakamataas na score sa season na 38 puntos nang manalo ang Ateneo sa UE sa kauna-unahang overtime game sa season.

Naghahatid pa si Ravena ng 5.1 assists para saluhan sa unang puwesto si Roi Sumang ng UE, nasa pangalawang puwesto sa steals sa 1.4 average.

Ang mga numerong ito ay nakatulong para magkaroon ang fourth year player ng 470 statistical points at may 90 bonus points para mabuo ang kanyang TOTSPs.

Kailangan lamang ni Ravena na mapanatili ang magandang ipinakita sa second round para makamit ang kanyang kauna-unahang MVP award.

Si Teng  ay number four sa scoring sa 15 kada-laro, number 9 sa rebounding sa 7.3 boards at panglima sa assists sa 3.7 average para tulungan ang nagdedepensang kampeong makasalo sa ikalawang puwesto bitbit ang 5-2 karta.

Naghahatid si Newsome ng all-around numbers na 13.7 puntos, 7.7 rebounds, 1 block at halos 1 steals habang si Belo ang lumabas na number two sa scoring sa 16.6 puntos para igiya ang FEU sa 5-2 baraha rin.

Si Alfred Aroga ang nagpapasikat sa mga bagito sa liga matapos pangunahan ang rebounding (9.7) at blocks (2.3) para tulungan ang National University Bulldogs sa 5-2 baraha.

Naghahatid pa ng 10.43 puntos average, si Aroga ay nasa pang-anim na puwesto sa MVP race bitbit ang 55.4286 TOTSPs.

Ang rookie ng Ateneo na si Arvin Tolentino ay nasa ikawalong puwesto sa karera tangan ang 53.4286 matapos maghatid ng 12.1 puntos (8th), 7.6 rebounds (8th) at 1 block (8th) sa pitong laro.

ARVIN TOLENTINO

ATENEO

ATENEO EAGLES

CHRIS NEWSOME

JERON TENG

KARIM ABDUL

KIEFER RAVE

NAGHAHATID

PARA

RAVENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with