MANILA, Philippines - Blinangko ng Phi-lippine women’s team ang United Arab Emi-rates upang makabalik sa kontensiyon habang lumasap naman ang men’s team ng 1-3 pagkatalo sa Austria sa sixth round ng 41st Chess Olympiad sa Tromso, Norway nitong Biyernes ng gabi.
Nagsipagpanalo sina Chardine Cheradee Camacho, Janelle Mae Frayna, Jan Jodilyn Fronda at Catherin Perena kina Kholoud Essa Al-Zarouni, Amna Nouman, Aisha Al-Zarouni at Ali Abeer, ayon sa pagkakasunod.
Ang panalo ay nagsulong sa mga Pinay sa 13-team logjam para sa 41st place taglay ang 7-points at puwede pa silang umangat kung masusustinihan nila ang momentum sa pagharap sa mababang rank ngunit mapanganib na Egypt sa seventh round na nilalaro habang sinusulat ang balitang ito.
Ang panalo ay pantabon sa paglasap ng kabiguan ng mga pambatong kalalakihan na sina Grandmasters Julio Catalino Sadorra at John Paul Gomez laban kina GMs Markus Ragger at David Shengelia.
Hindi nabokya ang mga Pinoy matapos maka-draw sina GM Eugene Torre at ang sumisikat na si International Master Paulo Bersamina kina IMs Robert Kreisl at Andres Diermair sa boards 3 at 4, ayon sa pagkakasunod.