^

PM Sports

Well Well Well nakasingit pa

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakasingit ang dehadong kabayo na Well Well Well sa hanay ng mga nanalo sa pagsisimula ng isang linggong pista na ginawa sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Si VM Camañero Jr. ang siyang hinete ng kabayo na nakitaan ng magandang kondisyon matapos pangunahan ang special class division race  sa 1,200-metro mula sa pagbukas ng aparato hanggang sa tawirin ang meta.

Nagsikap ang Posse Left ni AR Villegas at Furniture King ni JB Guce na habulin ang nasa unahang kabayo pero hindi nagpabaya si Camañero na napanatili ang mainit na takbo tungo sa panalo.

Lumabas na long shot ang Well Well Well para makapaghatid pa ng P52.00 sa win habang ang pagsegundo ng Furniture King ang naghatid ng P158.00 sa 2-3 forecast.

Dominado ng mga liyamadong kabayo ang 11 karera na pinaglabanan sa ikatlong race track sa bansa at lumabas bilang pinakapaboritong kabayo na nanalo ang My Bilin na hinawakan ni RC Baldonido sa Metro Turf Special Race sa 1,000-metro distansya.

Wala ring nakasabay sa tulin ng My Bilin tu­ngo sa banderang-tapos na panalo nang iwanan nito ng halos anim na dipa ang mga katunggali at sapat itong puhunan para maisantabi ang malakas na pagdating ng Grand Duke na hawak ni Antonio Alcasid Jr.

Ito ang unang panalo ng My Bilin sa buwan ng Hulyo at nagpasok ang win ng P6.50 habang ang 4-3 forecast ay nasa P19.50 dibidendo.

Lumabas bilang pina­kamainit na hinete ay si FN Ortiz nang maipanalo ang dalawang sakay.

Unang nagtagumpay si Ortiz sa kabayong Kiss Me sa race four bago isinunod ang Life Is A Bounty sa race 8.

Isang 3-year old and above Maiden A race ang race 8 na pinaglabanan sa 1,200-metro at naibulsa rin ng connections ng Life Is A Bounty ang P10,000.00 premyo na ibinigay ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa nanalong kabayo.

Naunang nagbanatan ang Life Is A Bounty, Kinagigiliwan at Warlock sa pagbubukas ng aparato hanggang sa back stretch.

Pero pagsapit ng karera sa kalagitnaan ay sinimulan na ni Ortiz na ipalabas sa kabayo ang bangis upang pagpasok sa far turn ay nakaagwat na ito ng halos apat na dipa sa mga nakatunggali.

Hindi na naawat pa ang kabayo tungo sa halos anim na dipang tagumpay sa puma­ngalawang Warlock ni EP Nahilat bago tumawid sa ikatlong puwesto ang Kinagigiliwan ni RV Brady.

Nadehado pa ang Life Is A Bounty sa naipagkaloob na P23.00 sa win habang ang forecast na 3-5 ay may P19.50 dibidendo. (AT)

ANTONIO ALCASID JR.

CAMA

FURNITURE KING

KABAYO

LIFE IS A BOUNTY

MY BILIN

ORTIZ

WELL WELL WELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with