Lady Rising Suns sinibak ang Lady Maroons sa V-League

MANILA, Philippines - Tinapos ng nagdedepensang Cagayan Valley Lady Rising Suns ang kampanya ng UP Lady Maroons sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference matapos ku­nin ang 25-15, 25-19, 25-16 straight sets win ka­­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang ika-limang pa­nalo sa anim na laro ng Lady Rising Suns para sa­luhan sa ikalawang  pu­westo ang pahingang Phi­lippine Army Lady Troopers.

Nalasap ng La­dy Maroons ang ka­nilang ika­anim na sunod na kabiguan para mamaalam na rin sa torneo kasama ang PNP Lady Patrollers.

Sa ikalawang laro, na­isantabi naman ng National University Lady Bulldogs ang 26 puntos ni Alyssa Valdez bunga ng mas magandang pag­tu­tulungan nina Jaja San­tiago, Rizza Jane Man­dapat at Myla Pablo patungo sa 25-18, 15-25, 26-24, 25-18 panalo sa Ateneo De Manila University.

Naitabla ng Lady Bull­dogs ang baraha sa 3-3, habang may 2-3 karta ang Lady Eagles na pasok na rin sa quarterfinals matapos ang tagumpay ng Cagayan Valley.

Sina Pau Soriano, Ai­za Maizo at Janine Marciano ay nagtala ng 13, 12 at 12 puntos upang katampukan ang dominas­yon sa lahat ng aspeto ng laro ng Lady Rising Suns para tumibay pa ang paghaha­bol sa unang puwesto sa li­gang suportado rin ng Accel at Mikasa.

Ang anim na mangu­ngunang koponan ay sa­sa­bak sa isa pang single round robin bitbit ang ka­nilang karta sa elims at ang mangungunang apat ang magtutuos sa crossover semifinals.

Sina Maizo at Soriano ay nagsanib sa 20 kills para bigyan ang Cagayan ng 47-28 bentahe, habang si Marciano ay may tatlong aces tungo sa 12-2 ka­lamangan sa departamento.

Show comments