Scott gusto ni Bryant bilang head coach

LOS ANGELES - Bagama’t gustung-gusto siya ni superstar Kobe Bryant ay wala pa ring pahayag ang Los Angeles Lakers tungkol sa kanilang pagkuha kay Byron Scott bilang head coach.

Ang 53-anyos na si Scott ay nakakuha ng tatlong NBA championship rings bilang Lakers shooting guard noong 1980s.

Sa kanyang huling season sa NBA ay nakasama ni­­ya si Bryant sa rookie year nito.

Si Scott ang dating humawak sa Cleveland Cavaliers sa nakaarang season.

Si Mike D’Antoni ay nagbitiw naman sa kanyang tungkulin sa Lakers no­ong Abril 30.

Show comments