Wall idinagdag sa US training pool para sa 2014 FIBA World Cup

COLORADO SPRINGS, Colo. - Idinagdag si Washington Wi­zards point guard John Wall sa U.S. player pool pa­ra sa darating na 2014 World Cup of Basketball.

Ang 19 players na na­sa listahan ay babawasan sa 12 para sa torneong idaraos sa Spain sa susunod na buwan.

Noong Huwebes ay uma­yaw si Los Angeles Clip­pers forward Blake Griffin.

Sinabi ni Griffin na na­is niyang magpalakas ng katawan para sa dara­ting na NBA season.

Nauna nang umayaw si Russell Westbrook ng Oklahoma City Thunder.

Nagtala si Wall ng mga averages na 19.3 points at 8.8 assists sa na­karaang NBA season na nagbigay sa kanya ng una niyang All-Star appea­rance.

Magsasagawa ang mga Americans ng isang trai­ning camp sa Las Vegas sa Hulyo 28 hanggang Agosto 1.

Ang iba pang players na nasa training pool ay sina Kevin Durant, James Har­­den, Paul George, Der­­rick Rose, Kevin Love at Stephen Curry.

Show comments