Trillo tatayong assistant sa Meralco Bolts

MANILA, Philippines - Matapos kunin si Norman Black mula sa Talk ‘N Text ay si Luigi Trillo naman ang hinugot ng Me­ralco para palakasin ang kanilang kampanya sa darating na 40th season ng PBA na magsisimula sa Oktubre.

Sa kanyang Twitter account na @luigitrillo, ibi­nunyag ni Trillo na sa­sa­mahan niya si Black sa bench ng Bolts bilang assistant.

“Officially joining the @meralcobolts fami­ly. Excited to work with Coach Norman and the team #timetoboltin #pba,” wi­ka ni Trillo.

Si Trillo ay pinalitan ni American coach Alex Compton sa bench ng Alas­ka matapos ang dalawang laro sa nakaraang 2014 PBA Governors’ Cup na muling pinaghari­an ng San Mig Coffee sa ikalawang sunod na pag­kakataon patungo sa kanilang Grand Slam.

“Welcome to the team coach @luigitrillo ex­cited to have you on board with the team! See you soon. Just landed here in Mia­mi,” sabi naman ni Ja­red Dillinger sa kanyang Twit­­ter account na @JDHa­waii20.

Ang Gilas Pilipinas ay nasa Miami, Florida para sa kanilang training camp.

Nakapagbigay si Tril­lo ng isang koro­na para sa Aces noong 2012 PBA Commissioner’s Cup.

Matapos umalis sa Alas­ka ay nagsibling game analyst ang da­ting La Salle Green Archer sa PBA TV panel.

Maliban kay Trillo, ma­kakatulong din ni Black, isang Grand Slam champion coach sa San Miguel Beer, sa bench ng Me­ralco sina assistant Ron­nie Magsanoc, Pat­­rick Fran, Xavier Nu­­nag at Gene Afable.

Ang kanyang naka­ba­batang kapatid na si Paolo Trillo ay tumata­yong team manager ng Bolts ma­­tapos ilipat mu­la sa Tro­­pang Texters.

Show comments