LOS ANGELES – Nag-withdraw si Blake Griffin sa paglalaro sa U.S. national basketball team ngayong summer.
Ang Los Angeles Clippers star ay isa sa 19 players na napili para pagpilian para sa World Cup team ng Amerika.
Sinabi ni Griffin nitong Huwebes na nais niyang ituon ang kanyang energy para magpalakas at maghanda para sa nalalapit na NBA season.
Sumunod si Griffin kay Oklahoma City guard Russell Westbrook na nagdesisyong hindi na rin lalaro para sa US team.
Umatras si Westbrook para ipahinga ang kanyang injury sa tuhod.
Ang U.S. Team ay magsisimula ng training camp sa Lunes sa Las Vegas, isang buwan bago magbukas ang World Cup of Basketball sa Spain.