CLEVELAND -- May team na si Andrew Wiggins pero baka pan-samantala lang ito.
Pinapirma ng Cavaliers ang No. 1 overall draft pick nitong Huwebes, isang kasunduan na magpapanatili kay Wiggins sa Cavs sa loob ng 30-araw.
Pinag-uusapan na masangkot si Wiggins sa posibleng blockbuster trade sa Minnesota para kay All-Star forward Kevin Love Ngunit anumang negosasyon ngayon na sangkot si Wiggins ay hindi mangyayari sa loob ng 30-araw.
Ang Cavs at Timberwolves ay ilang buwan nang nag-uusap tungkol sa trade na sangkot si Love bago pa hinugot ng Cleveland ng dating Kansas standout na si Wiggins bilang first pick sa draft noong May.
Naging intensibo na ang negosasyon ngunit walang puwedeng mangyari hanggang sa huling bahagi ng August.
Matapos pumirma si Wiggins, umiiral ang bihirang ginagamit na 30-day rule na nagbabawal sa mga teams na makalusot sa salary cap rules.
May mga restrictions na inilagay sa pagte-trade ng mga bagong pirmang rookies noong pang 1998-99 collective bargaining agreement. Noon, ang mga rookies kasama ang lahat ng free agents ay hindi puwedeng i-trade sa loob ng tatlong buwan o bago mag-Dec. 25, alin man ang mas mahaba, matapos pumirma.
Binago ang rule na ito sa 2005 CBA kung saan iba na ang rookie contracts na may maig-sing 30-day timeline na lamang sa pagitan ng kanilang signing date at trade eligibility.
Ginawa ang rule na ito para mawala ang perception ng mga tao na kapag na-trade agad matapos pumirma, ang acquiring team ang totoong kukuha sa kanya.
Sa katunayan, ang desisyon ng Cleveland na papirmahin si Wiggins ay mas magpapadali sa kanila na i-trade ito. Bago ang deal, wala siyang halaga sa salary cap ngunit ang kanyang kontrata na nagkakahalaga ng $5.5 million ay magbibigay daan sa Cavs na makagawa ng espasyo para sa mga player tulad ni Love, na nakatakdang kumita ng $15.7 million sa susunod na season.