Romero nagbida sa panalo ng Blazers

MANILA, Philippines - Naghatid ng limang pun­tos si Mark Romero sa krusyal na run para maisantabi ang pagkawala ng 18-puntos kalamangan tungo sa 79-72 panalo ng St. Benilde Blazers sa Mapua Cardinals sa 90th NCAA men’s basketball  kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos si Romero bitbit ang career-high na 26 puntos at ang Blazers ay nanalo sa ikalawang su­nod na pagkakataon at ipinalasap ang ikaanim na diretsong pagkatalo ng Cardinals.

Tulad sa nakaraang mga laro ng Mapua, bu­ma­ngon ang koponan mula sa malaking kala­ma­ngan at nagawa pang hawakan ang 68-67 bentahe sa dalawang free throws ni Carlos Isit.

Pero gumanti Bla­zers ng 11-5 bomba para maipagpatuloy ang pagbangon  matapos ang 0-3 panimula.

“Ipinakikita ng mga bata na hindi na sila heartbreak kids,” masayang sinabi ni Blazers coach Gabby Velasco na humugot pa ng 17 puntos kay Jonathan Grey.

Sinolo naman ng Lyceum Pirates ang ikaapat na puwesto sa team stan­dings matapos ang 73-67 pananaig sa Emilio Aguinaldo College Generals sa ikalawang laro.

May 20 puntos si Wilson Baltazar at siyam rito ay ginawa niya sa huling yugto para pagningasin ang 24-12 palitan.

Bago ito ay angat ang Generals sa 55-49, matapos ang ikatlong yugto.

May 15 puntos pa si Dexter Zamora habang si Joseph Gabayni ay naghatid ng 14 puntos at 11 rebounds para sa nanalong koponan,.

Tumapos si Noube Hap­py taglag ang 18 puntos pero hindi sapat ito para pigilan ang paglasap ng Generals ng kanilang ikaapat na sunod na pagkatalo matapos manalo sa unang laro. (AT)

St. Benilde 79--Romero 26, Grey 17, Sinco 8, Taha 8, Bartolo 8, Argamino 5, Jonson 3, Mercado 3, Ongteco 1.

Mapua 72--Gabo 16, Isit 14, Saitanan 14, Eriobu 13, Estrella 8, Biteng 2, Layug 2, Cantos 2, Villasenor 1, Canaynay 0.

Quarterscores: 23-17, 39-31, 61-50, 79-72

Lyceum 73--Baltazar 20, Zamora 15, Gabayni 14, Mbida 8, Bulawan 8, Maconocido 4, Malabanan 2, Taladua 2.

Emilio Aguinaldo 67-- Happi 18, Tayongtong 13, Arquero 10, Aguilar 7, King 7, Serrano 6, Onwubere 5, Jamon 3, Santos 0, Mejos 0, Pascual 0.

Quarterscores: 11-19, 35-35, 49-55, 73-67.

Show comments