^

PM Sports

La Salle wala pang talo sa UAAP Women’s cagefest

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinapawan ng defending champion De La Salle ang University of the Philippines (UP), 66-31 upang manatiling walang talo sa UAAP Season 77 women’s basketball tournament kahapon sa Blue Eagle Gym.

Walang awa ang Lady Archers matapos magtayo ng 17-7 kalamangan sa pagtatapos ng first period para lumamang ng hanggang 36 points  tu-ngo sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

Kinuha ng De La Salle ang solo lead matapos patikman ng University of Santo Tomas ang Ateneo ng unang talo sa season, 55-54 kahapon.

Umiskor si Mariella Isanan ng game-winning drive sa huling 15.7 segundo ng laro at nabigo ang Lady Eagles na makaiskor sa kanilang huling  play nang magmintis si Sara Bo-ot sa lay-up.

Tumapos si Alyanna Ong ng 11 points, seven rebounds at four assists habang si Steph Vergara ay nag-ambag ng 10 points para sa De La Salle.

Ihininto at di na itinuloy ang unang laban sa pagitan ng University of the East at National University dahil sa madulas na court. Lamang ang Lady Bulldogs (2-0) laban sa Lady Warriors (1-1), 6-3, nang ihinto ang laban.

 

vuukle comment

ALYANNA ONG

BLUE EAGLE GYM

DE LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

LADY WARRIORS

MARIELLA ISANAN

NATIONAL UNIVERSITY

SARA BO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with