Rush babalik sa Warriors

MANILA, Philippines - Pinalagda ng Golden State Warriors si free agent guard-forward Brandon Rush.

Hindi ibinunyag ang detalye, ngunit sinasabing  ito ay isang two-year deal na nagkakahalaga ng $2.5 milyon kasama ang isang player option sa ikalawang taon.

Magbabalik si Rush sa Warriors matapos makita sa 67 games noong 2011-13 season at nagtala ng mga averages na 9.7 points, 3.8 rebounds at 1.3 assists.

Show comments