^

PM Sports

Manny gagayahin si Roy Jones, Jr.

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung walang kukuhang ibang PBA teams sa darating na 2014 PBA Rookie Draft ay si Filipi­no world eight-division champion Manny Pacquiao ang magiging ikala­wang fighter na naglaro ng organized basketball ma­tapos si Roy Jones, Jr.

Ang 5-foot-11 na si Jones, nagkampeon sa middleweight, super middleweight, light heavyweight at heavyweight di­visions, ay naglaro pa­ra sa Jacksonville Barracudas sa US Basketball League (USBL) noong 19­90s.

Minsan nang nakita si Jones sa isang laro ng Barracudas sa USBL sa umaga bago maidepensa ang kanyang suot na IBF super middleweight crown laban kay Eric Lucas kinagabihan noong Hunyo 15, 1996.

Sa loob ng 15 minutong paglalaro para sa Bar­racudas ay umiskor si Jones ng 6 points bilang pointguard.

Kung irerespeto naman ng mga PBA teams ang 5’6 na si Pacquiao ay tatayo siyang playing coach ng expansion team na Kia Motors sa darating na 40th season ng PBA sa Oktubre.

Sinabi ng mga team ow­ners ng Globalport at Rain or Shine na hindi nila haharangin ang pagi­ging playing coach ng 35-anyos na si Pacquiao sa pamamagitan ng hindi pagpili rito sa 2014 PBA Draft sa Agosto 24 sa Ro­binson’s Place sa Ermita, Manila.

Ang Batang Pier at Elasto Painters ay may tsan­sang kunin si Pacquiao sa draft dahil hawak nila ang first at se­cond pick sa draft order, ayon sa pagkakasunod

Nagsumite na si Pacquiao ng kanyang apli­kasyon sa draft.

ANG BATANG PIER

BASKETBALL LEAGUE

ELASTO PAINTERS

ERIC LUCAS

JACKSONVILLE BARRACUDAS

KIA MOTORS

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with