Tempra Run Against Dengue iniurong sa Aug. 3
MANILA, Philippines - Para mabigyan ng pagkakataong makahabol ang mga estudyante, iniurong mula Hulyo 20 sa Agosto 3 ang 2014 Tempra Run Against Dengue na gaganapin sa Cultural Center of the Philippines grounds.
Suspendido ang mga klase ng 4-araw sa mara-ming unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila bunga ng bagyong Glenda kaya ang mga partner schools tulad ng Perpetual Help, Unibersidad de Manila at Pamantasan ng Pasay at marami pang iba, ay hindi nakapagrehistro.
“Mahalaga ang partisipasyon ng mga estudenyante sa aming advocacy run, kaya binibigyan namin sila ng ganitong pagkakataon,” ani Matt Ardina, events director ng nag oorganisang Subterranean Ideas. “Bukod dito, inaasahan din naming maulan ang darating na mga araw. Ang kapakanan ng mga mananakbo ay aming pinapahalagahan.”
Bahagi ng kikitain sa Tempra run na suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Sports Commission, Maynilad, Mortein Naturgard, Medicard, Business Mirror, Health and Fitness Magazine, Toby’s, Vitwater, Banana Boat at Guard Insect Repellent ay gagamitin pambili ng anti-dengue modalities na ipamimigay sa mga piling barangays.
Tuloy ang rehistrasyon sa Toby’s Arena sa Glo-rietta 2, Makati at Toby’s SM Manila.
Maaari ring tawagan ang (landline) 504-5990 o i-text ang (Sun) 0923-3323737, (Globe) 0916-2246221 at (Smart) 0918-2392009 para sa karagdagang detalye.
- Latest