Jones kinuha ng Cavaliers sa Heat

MANILA, Philippines - Kaagad na pinalibutan ng Cleveland Cavaliers si LeBron James ng mga shooters at mas magandang malaman ni James kung ano ang kanyang makukuha.

Isang araw matapos makuha ng Cavs ang kaibigan at dating teammate ni James na si Mike Miller ay nakipagkasundo naman sila kay Miami Heat free agent James Jones sa isang one-year, veteran-minimum contract.

Tatanggap si Jones, naglaro ng apat na seasons sa Miami kasama si James, ng $1.4 milyon sa susunod na season.

 

Show comments