UAAP games kinansela

MANILA, Philippines - Ipinagpaliban na ng UAAP ang double-header ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City dahil sa pagtama ng bagyong Glenda.

Pagtatangkaan sana ng FEU at host UE ang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Adamson at UST ayon sa pagkakasunod.

“Season 77 host UE has announced the cancelation of the men’s basketball games at the MOA Arena and the women’s basketball matches at the Blue Eagle gym scheduled for tomorrow (Wednesday, July 16) because of Typhoon Glenda. New schedules and  venues TBA,” laman ng advisory sa kanselasyon ng laro.

Naunang pagpalabas ng advisory ang host UE na magdedesisyon sila kung kakanselahin ang mga laro ngayong umaga pero minabuti na gawin ito kahapon ng hapon para hindi na maghintay ang mga panatiko ng liga, manlalaro, coaches at mga paaralang maglalaro kung matutuloy ba ito o hindi. Nagsimula nang umulan kahapon ng hapon kaya’t minabuti ng pamunuan ang isantabi muna ang mga laro.

Ang aksyon sa 77th men’s basketball ay magbabalik sa Sabado (Hulyo 19) sa Smart Araneta Coliseum. (AT)

Show comments