MANILA, Philippines - Sa araw na ito itinakda ang nominasyon para sa mga tatakbo sa ikatlo at huling yugto sa 2014 Philracom Triple Crown Championship.
Gagawin ang pangpinaleng karera para sa mga mahuhusay na edad tatlong taong gulang na mga kabayo sa Hulyo 27 sa San Lazaro Leisure Park at ito ay gagawin sa mahabang 2,000-metro distansya.
Bukod sa Triple Crown ay malalaman din ang mga kabayong maglalaban-laban sa huling yugto ng Hopeful Stakes race na itatakbo sa Hulyo 26 sa nasabing race track na pag-aari ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI).
Tiyak na mangunguna sa magpapatala ay ang Kid Molave na nanga-ngailangan na lamang na maipanalo ang nalalapit na karera para maihanay ang sarili bilang isang Triple Crown champion.
May siyam na kabayo pa lamang ang naka-sweep sa tatlong yugtong karera mula nang sinimulan ito noong 1978 at ang mga ito ay ang Fair And Square (1981), Skywalker (1983), Time Master (1987), Ma-gic Showtime (1988), Sun Dancer (1989), Strong Material (1996), Real Top (1998), Silver Story (2001) at Hagdang Bato (2012).
May 14 kabayo naman ang muntik-muntikan na maging Triple Crown champion pero kinapos ng isang panalo.
Hindi pa batid kung sino ang mga hahamon sa Kid Molave.