^

PM Sports

Panahon na ng Germany sa FIFA World Cup

Pang-masa

RIO DE JANEIRO -- Inilabas ni Mario Goetze ang isang individual skill na hindi nagawa ni Lionel Messi.

Tinapos ni Goetze ang 24-year taong pagkauhaw ng Germany ng titulo sa World Cup at ipinagkait kay Messi ang titulong maghahanay sa kanya sa mga all-time greats.

Isinalpak ni Goetze ang winning goal sa extra time para ibigay sa Germany ang 1-0 panalo laban sa Argentina sa World Cup finals.

Kinontrol ni Goetze, hindi pa isinisilang nang talunin ng West Germany ang Argentina noong 1990 finals, ang bola sa kanyang dibdib sa ika-113 minuto at sa isang mosyon ay pinalusot ito kay goalkeeper Sergio Romero para sa kanyang winning goal.

Ito ang nagbigay sa Germany ng kanilang pang-apat na World Cup title kapantay ang Italy sa listahan ng mga all-time champions at sa ilalim ng lima ng Brazil.

“It’s an unbelievable feeling. I don’t know how to describe it. You just shoot that goal in, you don’t really know what’s happening,’’ sabi ni Goetze. “And then at the end of the match, having a party with the team, the whole country ... it is for us, a dream come true.’’

Sa final whistle ay nagdaganan ang mga Germany players sa gitna ng pitch sa kanilang pagdiriwang.

Nilampasan naman sila ni Messi, nakahawak ang mga kamay sa kanyang baywang at patuloy na naglalaro sa anino ni Diego Maradona, iginiya ang Argentina sa titulo noong 1986.

Si Goetze ang isang substitute para kay Miros-lav Klose sa dulo ng regulation time.

Sinabi ni Germany coach Joachim Loew na ito ay kanyang plano.

“I said to Mario Goetze, ‘OK, show to the world that you’re better than Messi and you can decide the World Cup. You have all the possibilities to do that,’’’ ani Loew. “I had a good feeling with him.’’

Ang Germany ang naging unang European team na nanalo ng World Cup sa balwarte ng South Americas at tumapos sa kanilang kamalasan.

Natalo ang koponan noong 2002 World Cup final sa Brazil, noong Euro 2008 final sa Spain at nasibak sa semifinals noong 2006 at 2010.

 

ANG GERMANY

DIEGO MARADONA

GERMANY

GOETZE

JOACHIM LOEW

LIONEL MESSI

MARIO GOETZE

MESSI

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with