^

PM Sports

Netherlands nagtapos sa third place; Germany-Argentina para sa korona

Pang-masa

BRASILIA, Brazil — Nang matapos ang laro, ang  Netherlands ang tu­manggap ng standing ova­tion mula sa Brazilian crowd.

Nilisan ng Brazil ang football field sa gitna ng pambubuska ng kanilang mga kababayan.

Tinalo ng Netherlands ang Brazil, 3-0, sa ka­nilang labanan para sa third place trophy ng World Cup.

Kaagad nagsalpak ng dalawang goals sina Ro­bin van Persie at Daley Blind para sa 2-0 abante ng mga Dutch kontra sa mga Bra­zilians.

“We can look back at a very successful tournament,” sabi ni Netherlands’ head coach Louis Van Gaal. “I’m proud of my players.”

Tinapos ng Netherlands ang World Cup na wa­lang talo sa regular play sa unang pagkaka­taon.

Natalo lamang ang mga Dutch sa Argentina sa penalties sa semifinals.

Makaraang tumapos bi­lang runner-up noong 2010 ay ang third place na ang pinakamagandang posisyong nakamit ng Dutch squad nang ma­bigo sa finals noong 1974 at 1978.

Samantala, pag-aagawan ng Argentina at Germany ang korona ngayon.

“We know we can write history,” sabi ni Ger­ma­ny head coach Joachim Loew. “South Ame­ricans have always do­minated on their conti­nent and this is an extra in­centive for us.”

Wala pang European team na nagkampeon sa World Cup na idinaos sa South Ame­rica.

 

DALEY BLIND

JOACHIM LOEW

KAAGAD

LOUIS VAN GAAL

MAKARAANG

NANG

SHY

SOUTH AME

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with