Suarez lalaban para sa ginto kontra sa Kazakh sa President’s Cup

ALMATY, Kazakhs­tan – Umabante si World Series of Boxing (WSB) standout Charly Suarez sa gold medal round matapos gibain si Otdondalai ng Mongolia sa President’s Cup dito sa Baluak Sho­lan Palace of Culture and Sports.

Tumanggap si Suarez, tubong Sawata, Davao del Norte, ng mga iskor na 30-27 at 29-28 para sa kan­yang tagumpay.

Makakalaban ni Sua­rez para sa gold medal si  Be­rik Abdrakhmanov ng Ka­zakhstan.

Samantala, asam din ni Rey Saludar na maka­pa­sok sa gold medal round sa pagsagupa kay Il­yas Suleimenov ng Ka­zakhstan sa kanilang se­mifinal match sa flyweight class.

Ang pagsabak ng PLDT-ABAP sa torneo ay bahagi ng kanilang final selection process para sa Asian Games line-up.

Kakampanya naman ang isa pang grupo sa Chi­na Open sa Guiyang, Chi­na.

 

Show comments