^

PM Sports

Petron, AirAsia asam ang semis berth sa PSL

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kakapitan ng Petron Lady Blaze Spikers at expan­sion team na AirAsia Flying Spikers ang panalong naitala sa PLDT Home TVolution Power Attackers at Cagayan Valley Lady Rising Suns para magwagi sa quarterfinals ng 2014 PLDT Home-Philippine Su­perLi­ga All-Filipino Conference volleyball tournament ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Mas mataas din ang seedings ng Lady Blaze Spi­kers at Flying Spikers laban sa mga katunggali para mas tumaas ang morale  ng mga ito sa knockout game na magdedetermina kung sino ang aabante sa se­mifinals sa ligang inorganisa ng Sports Core at han­dog ng PLDT Home DSL at suportado ng Mika­sa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.

Ang Generika-Army Lady Troopers at RC Cola-Air Force Raiders ay nasa semifinals na matapos pa­ngunahan ang pitong koponang kalahok sa elimination round.

Sa ganap na alas-3 ng hapon magtutuos ang Petron at PLDT at si Dindin Santiago ang siyang babandera sa Lady Blaze Spikers matapos magtala ng league-high na 37 points sa five-sets win kontra sa Power Attackers sa naunang pagkikita.

Galing pa ang 6-foot-2 spiker sa paglista ng 24 points nang magwagi ang Petron sa Cignal HD Lady Spikers sa huling laro.

Pagsisikapan ng Flying Spikers ang maipagpatuloy ang magandang ipinakikita sa unang pagsali sa li­ga sa pamamagitan ng pagduplika sa straight sets win sa Lady Rising Suns sa elimination round.

Sina Cha Cruz, Stephanie Mercado, Aby Maraño at Michelle Laborte ang mga magdadala sa koponang pag-aari ni Dr. Mikee Romero.

 

vuukle comment

ABY MARA

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ANG GENERIKA-ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

COLA-AIR FORCE RAIDERS

CUNETA ASTRODOME

FLYING SPIKERS

POWER ATTACKERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with