^

PM Sports

Dahil sa iba’t ibang injuries ilang kabayo sinuspindi

Pang-masa

MANILA, Philippines - ILANG mga kabayo ang suspindido ng isang buwan bunga ng tinamong injuries matapos ang nilahukang karera.

Ang Windbeneathmywings ang siyang may pinakamahabang suspension nang pagbakasyunin ito sa loob ng tatlong buwan matapos paika-ikang dumating matapos ang karera sa San Lazaro noong Hulyo 6.

Kasama naman sa binigyan ng isang buwang pahinga ay ang Keen Focus at Willingandable na inatasan din na sumailalim sa isang barrier race bago opis­yal na makabalik sa pagtakbo.

Marami-rami na ring mga  kabayo ang may injuries dahilan upang mabawasan ang bilang ng mga aktibong kabayo.

Dahil dito, binuhay ng Philracom ang Committee on Unsound Horses para tutukan ang mga pangarerang kabayo at tiyakin na hindi ito mabubugbog sa ensayo para tumagal ang taon ng pagtakbo.

Si Commissioner Reynaldo Fernando ang siyang inilagay bilang chairman ng komite na makikipagtulungan din sa mga opisyales ng tatlong racing clubs.

Kumikilos ang Philracom sa pangunguna ni chairman Angel Castano   Jr. at executive director/commissioner Jess Cantos na hanapan agad ng mga solusyon ang mga problema sa horse racing para hindi masira ang papaangat na benta ng industriya.

Hangad ng Philracom na higitan ang kabuuang kinita noong 2013 na nasa P7,780,482,078.00. (AT)

ANG WINDBENEATHMYWINGS

ANGEL CASTANO

JESS CANTOS

KEEN FOCUS

PHILRACOM

SAN LAZARO

SI COMMISSIONER REYNALDO FERNANDO

UNSOUND HORSES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with