Devin Harris ibinalik ng MAVs sa team

MANILA, Philippines - Ibabalik ni Dallas Mavericks si Devin Harris na inaasahang gagamitin bilang point guard.

Ayon sa mga source, nagkasundo sina Harris at ang Mavericks para sa bagong contract.

Ang 31-gulang na si Harris ay lumaro sa Dallas ng one-year, $3 million deal noong nakaraang season kung saan hindi siya nakalaro sa unang kalahating taon matapos operahan sa paa.

Ang una niyang kontrata ay three-year na nagkakahalaga ng $9 million ngunit lumiit ito dahil sa kanyang injury sa paa.

Ang bago niyang kontrata ay sinasabing tulad ng kanyang naunang three-year deal.

Nagkaayos ang magkabilang panig dalawang araw matapos makipag-ayos si Dirk Nowitzki sa three-year, $30 million contract na may player option sa final season ng kontrata.

Show comments