Sefolosha hinugot ng Hawks para sa 3-year deal

ATLANTA — Mula sa Oklahoma City ay lilipat na sa Atlanta si small forward Thabo Sefolosha.

Ito ay matapos makipagkasundo si Sefolosha para sa isang three-year, $12 million contract.

Nauna nang naiulat ang nasabing kasunduan sa The Oklahoman newspaper.

Ang 6-foot-7 na si Sefolosha ay nagposte ng ave­rage na 6.3 points bilang starter sa 61 games noong na­­karaang season para sa Oklahoma City Thunder.

Ang pagkuha kay Sefolosha ng Hawks ay nangya­ri matapos magkaroon ang Atlanta ng sobrang $15 mil­yon sa kanilang salary cap space.

Ito ay matapos dalhin ng Hawks si guard Lou Williams at ang draft rights kay center Lucas Nogueira sa Toronto kapalit ni forward John Salmons.

Target din ng Hawks si Chicago Bulls free-agent forward Luol Deng.

 

Show comments