Isang panalo pa ang kailangan para sa PBA Grand Slam: San Mig sa Game 3

MANILA, Philippines - Bumangon ang nagde­depensang San Mig Coffee mula sa kabiguan no­ong Huwebes para ma­kalapit sa kanilang pina­pa­ngarap na PBA Grand Slam.

Niresbakan ng Mixers ang Rain or Shine Elasto Painters, 78-69, sa Game Three ng 2014 Governos’ Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

May tsansa ang San Mig Coffee, tangan ang 2-1 bentahe, na wakasan ang kanilang best-of-five championship series ng Rain or Shine sa Game Four bukas.

At kung mangyayari ito ay makakamit ng Mi­xers ang Grand Slam.

“It wasn’t a game of big shots it was a game of big stops,” wika ni coach Tim Cone. “It was a battle all the way and you just gotta continue to battle Rain or Shine.”

Kinuha ng San Mig Coffee ang 39-30 abante sa halftime bago naagaw ng Rain or Shine ang una­han sa 59-58 mula sa da­lawang sunod na tirada ni Beau Belga sa pagbubukas ng fourth quarter.

Gumanti ang Mi­xers ng isang 12-2 atake mu­la kina Mark Barroca, ve­t­e­ran center Rafi Reavis at rookie Ian Sangalang para muling kunin ang 70-61 ben­tahe patungo sa 78-66 pagbaon sa Elasto Pain­ters sa huling 46 segundo ng laro.

Huling naghamon ang Rain or Shine, itinabla ang serye sa 1-1 matapos ang 89-87 overtime win sa Game Two noong Huwebes, sa 69-78 mula sa three-point play ni Best Import Arizona Reid sa natitirang 38.2 segundo.

“You gotta play the game possession by pos­ses­sion because of their mental strength, nothing seems to faze them,” sabi ni Cone sa Elasto Painters ni mentor Yeng Guiao.

 Tumapos si import Marqus Blakely na may 17 points.

SAN MIG COFFEE 78 - Blakely 17, Sangalang 13, Devance 10, Simon 10, Pingris 7, Yap 7, Barroca 6, Reavis 6, Melton 2, Maliksi 0.

Rain or Shine 69 - Reid 31, Belga 8, Cruz 6, Araña 6, Almazan 4, Chan 4, Tiu 3, Ibañes 2, Lee 2, Norwood 2, Rodriguez 1, Tang 0, Nuyles 0.

Quarterscores: 17-14; 39-30; 58-55; 78-69.

Show comments