^

PM Sports

Kabayong The Flyer ipinanalo ni V. Dilema

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ni jockey Val Dilema na walang makuhang panalo ang kabayong The Flyer nang mangibabaw ito sa handicap race na ginanap noong Linggo sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Siyam na kabayo ang nagsukatan sa distansyang 1,200-metro at ang The Flyer ay nakitaan ng lakas ng pagdating para hindi maapektuhan ng mabagal na panimula.

Naunang nalagay ang The Flyer sa pang-anim na puwesto sa alisan habang ang mga naunang nalagay sa unahan ay ang mga lahok na Ninangmil, Ever Charming at Tala Sa Umaga.

Sa rekta ay namuro na ang Ninangmil na dala ni Jeffrey Bacaycay pero hindi nagpapigil ang The Flyer na mula sa labas ay humarurot at nanalo pa ng halos isang dipa sa meta.

Ipinalagay na mananalo na ang nasabing kabayo matapos pumangalawa sa huling takbo.

Nagpasok ang win ng P13.50 habang ang 6-5 forecast ay mayroong P99.00 dibidendo.

Naihatid din sa panalo ni LT Cuadra Jr. ang Graceland sa 1,000-metro handicap race two kahit naunang nakontento ang tambalan sa malayong ikaapat na puwestong pagtatapos sa hanay ng siyam na naglaban.

Pero wala rin nakapigil nang ipalabas ni Cuadra ang bangis ng naturang kabayo sa huling kurbada at mapangatawanan ang pagiging liyamado sa mga naglaban.

Ito ang ikalawang takbo ng nasabing kabayo sa linggong  ito at nahigitan ng Graceland ang pangalawang puwestong pagtatapos na nailista noong Hunyo 24 sa San Lazaro.

Dahil dikit ang bentahan ng mga kasaling kabayo, umabot pa sa P11.50 ang ibinigay sa win habang ang 9-5 forecast ay may P35.50 na ipinamahagi.

Sina Jeff Zarate at Rodeo Fernandez ang lumabas bilang pinakaproduktibong hinete sa pagtatapos ng pista sa linggong ito nang makadalawang panalo.

Ang mga kabayong Tellmamailbelate at Fireworks ang mga kuminang kay Zarate habang Mahiwaga at  Mamang Sorbetero ang mga naipanalo ni Fernandez.

 

vuukle comment

CUADRA JR.

EVER CHARMING

GRACELAND

JEFFREY BACAYCAY

MAMANG SORBETERO

METRO TURF CLUB

NINANGMIL

RODEO FERNANDEZ

SAN LAZARO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with