^

PM Sports

Anthony magdedesisyon sa susunod na buwan

Pang-masa

NEW YORK -- Uma­asa si New York Knicks forward Carmelo Antho­ny na makakagawa na si­ya ng desisyon sa susunod na buwan hinggil sa kung sa­an siya maglalaro para sa darating na season.

Iniwan ni Anthony ang kanyang kontrata sa Knicks para maging isang un­restricted free agent at maaaring makipag-usap sa anumang koponan si­mula sa Hulyo 1.

Sinabi ng isang source na wala pang NBA team na napupusuan si Antho­ny.

Inaasahang makikipag­-usap siya sa Knicks, Chicago Bulls, Los Angeles Lakers, Houston Rockets at Dallas Mavericks.

Hindi naman nabanggit ang Miami Heat.

Tanging ang naturang mga koponan lamang ang bibisitahin ni Anthony sa mga unang araw ng free agency.

Ayon sa source, mahal ni Anthony ang New York at masaya sa paglalaro sa Knicks, ngunit may mga kuwestiyon siya sa prangkisa.

Ilan dito ay ang direk­syon na gustong tahakin ni­na first-year president Phil Jackson at first-year coach Derek Fisher at ilang taon pa ang kakai­langanin para maging isang NBA champions ang Knicks.

Maaaring alukin ng Knicks si Anthony ng ma­habang kontrata at mas ma­laking suweldo sa loob ng limang taon.

Ang pinag-uusapang su­weldo ni Anthony ay $130 milyon kumpara sa posibleng makuha niyang $96 milyon kung lilipat siya ng ibang koponan.

Nauna nang sinabi ni Jackson na tinanong niya si Anthony na pumayag sa mas maliit na suweldo para manatili sa Knicks.

Sinabi rin ni Jackson na handa siyang bigyan si Anthony ng maximum contract kung ito ang ka­ilangang gawin para pa­tuloy siyang maglaro sa New York.

Inaalala ng 30-anyos na si Anthony ang kanyang edad na pinili niyang hin­di ilaro ang huling ta­on niya sa Knicks na nag­kakahalaga ng $23.3 mil­yon.

 

ANTHONY

CARMELO ANTHO

CHICAGO BULLS

DALLAS MAVERICKS

DEREK FISHER

HOUSTON ROCKETS

KNICKS

NEW YORK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with