^

PM Sports

Sasagupa sa Mixers para sa PBA Governors’ Cup Finals: Painters lusot sa Aces

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanatiling determina­do ang Elasto Painters hanggang sa huling se­gun­do ng laro.

Ang resulta nito ay ang kanilang ikalawang sunod na finals appearance ngayong 39th season.

Humakot si import  Ari­zona Reid ng 35 points at 10 rebounds para pa­ngunahan ang Rain or Shine sa 97-94 pana­naig sa Alaska sa Game Five at wakasan ang kanilang best-of-five semifinals show­down sa 3-2 sa 2014 PBA Governors’ Cup ka­gabi sa Smart Araneta Co­liseum.

Nagdagdag sina Paul Lee at Gabe Norwood ng tig-10 markers para sa Elasto Painters na sasagu­pain ang San Mig Coffee Mixers sa best-of-five cham­pionship series na mag­sisimula sa Martes.

Tinalo ng San Mig Coffee ang Talk ‘N Text, 3-2, sa kanilang semifinals duel para makalapit sa hangad na PBA Grand Slam matapos magkampeon sa nakaraang Philip­pine Cup at Commissio­ner’s Cup.

“It’s not about stopping them but it’s about us winning the championship,” sabi ni Rain or Shine mentor Yeng Guiao, nasa kanyang ika-13 finals stint bilang head coach.

Tinalo ng Mixers ang Elasto Painters sa Finals ng nakaraang PBA Philippine Cup.

Itinala ng Rain or Shine ang 76-69 bentahe sa 1:54 ng third period mula sa slam dunk ni Reid bago nakalapit ang Alaska sa 89-91 agwat sa 2:23 minuto ng fourth quarter.

Kumamada sina Reid at Lee ng dalawang basket kontra sa tirada ni Vic Manuel ng Aces para ibigay sa Elasto Painters ang 95-91 abante sa huling 30.6 segundo.

Nagsalpak si import Henry Walker ng isang three-point shot sa natitirang 23.9 segundo para mu­ling ilapit ang Alaska sa 94-95 kasunod ang da­lawang free throws ni Lee sa 12.7 segundo para ilayo ang Rain or Shine sa 97-94.

Nagmintis ang tangkang tres ni Walker na gigiya sana sa Aces sa overtime.

Hindi nakapaglaro si­na center Sonny Thoss at guard JVee Casio para sa Alaska.

“I’m glad that we’re done with them becuse it’s a hard series for us. They showed a lot of guts a lot of tenacity without their key players,” ani Guiao.

RAIN OR SHINE 97 -- Reid 35, Lee 10, Norwood 10, Uyloan 8, Rodriguez 8, Araña 5, Chan 5, Belga 4, Al­mazan 4, Cruz 3, Tiu 3, Iba­ñes 2, Teng 0.

Alaska 94 -- Walker 29, Manuel 20, Hontiveros 17, Ba­guio 11, Abueva 9, Dela Cruz 5, Jazul 3, Reyes 0, Belasco 0, Eman 0.

Quarterscores: 29-25; 55-52; 80-77; 97-94.

 

DELA CRUZ

ELASTO PAINTERS

GABE NORWOOD

GAME FIVE

GRAND SLAM

HENRY WALKER

REID

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with