Mainit ang labanan ng Jade Bros. Farm at ni Uy
MANILA, Philippines - Uminit pa ang tagisan sa hanay ng Jade Bros. Farm at ni Patrick Uy nang parehong magkaroon ng mahigit na limang milyong premyo na napanalunan matapos ang buwan ng Hunyo sa hanay ng mga horse owners.
Ang Jade Bros. Farm pa rin ang nanguÂnguna sa talaan bitbit
ang P5,796,777.25 pero dumikit na si Uy taglay ang P5,045,236.41
gantimpala.
May walong panalo ang naitala ng mga kabayo ng Jade Bros. Farm para
magkaroon na ng kabuuang 43 panalo, 29 segundo, 19 tersero at 32
kuwarto puwestong pagtatapos.
Walong kabayo rin ang nanaig para sa kampo ni Uy para sa kabuuang 40
panalo, 16 segundo, 25 tersero at 31 kuwarto puwesto.
Ang stable ni Atty. Narciso Morales ang siyang may pinakamalaking
bilang ng mga nanalo na nasa siyam para agawin ang ikatlong puwesto
kay Aristeo “Putch†Puyat.
Bitbit ang 31 panalo, 33 segundo, 33 tersero at 28 kuwarto puwesto, si
Morales ay kumabig na ng P4,859,237.39 premyo habang si Puyat ay nasa
ikaapat na puwesto tangan ang P4,224,932.52.
May apat na panalo lamang ang nakuha ng mga inilaban para sa kabuuang
27 panalo, 22 segundo, 36 tersero at 28 kuwarto puwesto.
Malalaking panalo ng Hagdang Bato at Malaya ang nakatulong para
malagay sa ikalimang puwesto ang dating nasa ika-sampung puwesto na
si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.
Anim na panalo ang nakuha ng mga lahok ni Abalos at pumalo sa halos
P1.5 milyon ang premyong napanalunan noong nakaraang buwan para
palawigin sa P4,065,480.40 ang gantimpalang nakuha sa 17-21-13-6
karta.
Sina Eduardo Gonzales, SC Stockfar, Ruben Dimacuha, Sixto Esquivias IV
at Herminio Esguerra ang mga kumumpleto sa Âunang sampung puwesto sa
hanay ng mga horse owÂners.
Kumabig na si Gonzales ng P4,024,576.89 (29-19-20-17), ang SC
Stockfarm ay mayroong P3,900,390.80 (28-19-19-11), si Dimacuha ay
nanalo na ng P3,673,259.05 (26-18-12-9), si Esquivias ay may
P3,550,119.44 (23-18-30-25) at si Esguerra ay nagbulsa na ng
P2,989,605.03 (23-10-6-3). (AT)
- Latest