Free agent na si Frye

MANILA, Philippines - Pinili ni Phoenix Suns forward Channing Frye na huwag nang ilaro ang huling season sa kanyang kontrata para maging unrestricted free agent, ayon sa sources ng Yahoo Sports.

Hindi tinanggap ni Frye ang kanyang player option na nagkakahalaga ng $6.8 milyon para sa 2014-15 season na siya sanang kanyang final season sa pinirmahang five-year, $30 million deal.

Nauna nang nagparamdam ang Suns ng muling pagbibigay ng bagong kontrata kay Frye.

Matapos ma-diagnosis na may enlarged heart na nagpaupo kay Frye sa kabuuan ng 2012-13 season, naglaro si Frye sa 82 games para sa Suns.

Show comments