MANILA, Philippines - Sa kanyang column sa pahayagang La Nacion, inihayag ni Manu Ginobili ang paglalaro uli sa Argentina at ginawa niya ito matapos makipag-usap sa kanyang asawa.
Dahil dito, magkakaroon ng pagkakataon ang Gilas Pilipinas na makalaro ang NBA player na si Ginobili na inaasahang maglalaro para sa Argentina sa FIBA World Cup sa Spain.
Sariwa si Ginobili sa pagtulong sa San Antonio Spurs sa pagsungkit ng kanilang ikalimang NBA title. Giniba ng Spurs ang two-time champion na Miami Heat sa 5-laro.
“The main reason why I am playing is because of my wife. She supported me to do it. I know she makes an effort similar or more than mine and I value it a lot,†wika ni Ginobili.
Ang Argentina ay kasama ng Pilipinas sa Group B bukod sa Senegal, Puerto Rico, Greece at Croatia.
Ang kompetisyon ay gagawin mula Agosto 30 hanggang Setyembre 14 at ang Gilas ay katunggali ng Argentina sa Setyembre 1.
Ito ang unang pagkakataon mula noong 1978 na nakabalik ang Pilipinas sa World Cup at nangyari ito dahil pumangalawa ang koponang hawak ni coach Chot Reyes sa idinaos na 2013 FIBA-Asia Men’s Championship.