Donnie Nietes ilalaban sa US sa Disyembre

CEBU CITY, Philippines – Plano ng kampo ni Donnie ‘Ahas’ Nietes na ilaban ang world light flyweight champion sa United States.

Ayon kay Dennis Cañete, ang vice president ng ALA Promotions, dadalhin nila si Nietes sa Los Angeles para labanan ang isang Mexican.

Ito ay magsisilbing voluntary defense ng 32-anyos na WBO light flyweight king.

“We’re looking at November 8 in Los Angeles because of the heavy presence or Mexicans or Latinos there. It will the first Pinoy Pride presentation in the United States,” wika ni Cañete.

Si Nietes ay hindi pa natatalo sa loob ng 10 taon at nananatiling world champion ng halos pitong taon.

Kung mananalo siya sa Disyembre 31 ay ma­la­lampa­san niya ang record ng namayapang si Gabriel “Flash” Elorde, nagkampeon sa loob ng pitong taon at tatlong buwan noong 1960 hanggang 1967.

At gusto ni Nietes na gumawa ng kasaysayan.

“I’m ready,” sambit ni Nietes kasama sina promo­ters Tony at Michael Aldeguer.

Inangkin ni Nietes ang 108 lb title noong 2011 at mula noon ay hindi na ito binitawan.

Noong Mayo 1 ay pinatumba niya si Mexican chal­lenger Moises Fuentes sa kanilang rematch matapos ang kanilang draw noong 2013.

 

Show comments