Marquez tuluyan nang hindi itatapat kay Manny Pacquiao

MANILA, Philippines - Talagang wala nang ka­tiyakan na maitatakda ang pang-limang pagha­ha­rap nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Mar­quez ngayong taon.

Kung lalaban si Pacquiao sa Nobyebre sa Macau, China ay posibleng sa Setyembre o Oktubre na­man muling makita sa aksyon si Marquez sa Me­xico.

Sinabi ni Fernando Bel­tran ng Zanfer Promotions na itatampok nila ang 40-anyos na si Marquez sa isang boxing card sa Mexico.

Huling sumabak si Mar­quez noong Mayo kung saan niya tinalo si dating world light welter­weight titlist Mike Alva­rado via unanimous decision.

Ang pangalan ni Marquez ang unang inilagay ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa listahan ng mga potensyal na lalaba­nan ng 35-anyos na si Pac­quiao sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Ngunit iginiit nina Bel­tran at chief trainer Ignacio Beristain na hindi na nila ilalaban si Marquez kay Pacquiao sa pang-li­mang pagkakataon.

Sinabi nina Betran at Be­ristain na gusto nilang manatili sa alaala ng mga boxing fans ang ginawang pagpapatumba ni Marquez kay Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagtatagpo noong Dis­yembre 8, 2012.

Samantala, umaasa na­man si dating world title-holder Amir Khan na maisasama rin ang kan­yang pangalan sa mga po­­sibleng makalaban ni Pac­­quiao.

“I am looking at the likes of Marquez and Man­ny Pacquiao and Floyd Mayweather - they are the big names and that is where I belong figh­ting the top guys,” wika ni Khan sa panayam ng Ringside.

“There are talks about Manny Pacquiao happe­ning in the future - may be next. So I have left my team, Al Hayman and my team Khan Promotions to do everything,” dagdag pa ng dating sparmate ni Pacquiao.

 

Show comments