Costa Rica giniba ang Italy sa Group D

RECIFE, Brazil -- Ginulantang ng Costa Rica ang World Cup.

Matapos talunin ang Uruguay, ginulat naman ng Cos­ta Rica ang four-time champion na Italy, 1-0, para ma­kakuha ng tiket sa susunod na round kasabay ng pag­sibak sa England.

Sa pagpasok sa torneo bilang underdog sa grupong ki­nabibilangan ng tatlong dating world champions, na­sa ibabaw ngayon ang Costa Rica.

“Maybe there are a lot of people who didn’t have faith in us because we were in the ‘Group of Death,’ sa­bi ni Costa Rica captain Bryan Ruiz, umiskor ng key goal. “But the other guys are the ones who are dead and we’re going to the next round.”

Isinalpak ni Ruiz ang goal sa ilalim ng crossbar pang-44 minuto.

Ang Goal-line technology ang nagpakita sa pagtalbog ng bola sa ilalim matapos tumama sa bar.

Nangunguna ngayon ang Costa Rica sa Group D sa kanilang 6 points, samantalang may 3.0 points ang Italy at Uruguay.

Napatalsik naman ang England matapos matalo sa Italy at Uruguay.

Ang Italy  ay nagkampeon sa World Cup noong 1934, 1938, 1982 at 2006, habang ang Uruguay ay no­­­ong 1930 at 1950 at ang England  ay  noong 1966.

Huling nakapasok ang Costa Rica sa knockout phase ng World Cup ay noong 1990 sa kanilang unang paglahok.

Tinalo nila ang Sweden at Scotland sa ilalim ni coach Bora Milutinovic bago nasibak ng Czechoslova­kia.

“Those who haven’t supported us may believe in us right now,” wika ni Ruiz.

Maaari pang umabante ang Italy sa pamamagitan ng panalo o draw sa Uruguay.

 

Show comments