MANILA, Philippines - Dahil sa di magandang performance sa mga nakaraang SEA Games kaya’t nagdesisyon ang Philippine Sports Commission (PSC) na tanggalin ang swimming at weightlifting sa talaan ng 10 priority sports na tinutustusan ng ahensya.
Nabigong manalo ng gintong medalya ang atleta sa swimming at weightlifting sa Myanmar SEA Games noong 2013 gayong binigyan ang mga ito ng mas ma-laking suporta kumpara sa ibang NSAs na hindi kasama sa listahan.
Naunang namili ang PSC ng sampung suports na inilagay sa priority list dahil sa paniniwalang maganda ang tsansa ng pambansang atleta na manalo ng gintong medalya sa malalaking kompetisyon sa labas ng bansa.
“The reason why we dropped the two sports is because their performance in Myanmar was not at par with the expectation,†wika ni PSC chairman Ricardo Garcia.
Bagamat mas malaki ang pondong nakukuha, ang swimming at weightlifting ay nakitaan din ng pagbawas ng manlalaro na ipinadadala sa kompetisyon sa labas ng bansa,
Patunay ito ay ang pagsali ng Pilipinas sa Asian Games na kung saan apat lamang ang swimmers na kuwalipikado habang dalawa lamang lifters na puwedeng isama sa weightlifting.
Sa kasalukuyan ay naghahanap ang PSC ng mga sports na puwedeng ipalit sa dalawang tinanggal.
“We are still in the process of selecting sports na kukuha sa dalawang slots. We want to be fair with everyone and will have to study and see certain trend on the performances of the athletes as well as their NSAs,†dagdag ni Garcia.
Ang iba pang ninombra sa priority sports ay ang boxing, taekwondo, wushu, archery, wrestling, bowling, billiards at athletics. (AT)