Paraga handa na laban kay Partida

CEBU CITY, Philippines - – Sinabi ni Filipino boxer Albert Pagara na gusto na niyang patumbahin ang mayabang na kalabang Mexicano sa stage sa official weigh-in kahapon dito.

“Gusto na yata ma-knockout agad eh,” sabi ng 20-anyos na  boxer mula sa Cagayan de Oro ukol sa kalaban niyang si Hugo ‘Olimpico’ Partida.

Tumimbang ang dalawang boksingero na paglalabanan ang bakanteng IBF Intercontinental junior-featherweight title ngayong gabi sa Waterfront Hotel, ng parehong eksaktong 122 lb.

Naging tahimik ang proseso hanggang sa nagharap ang dalawa stage.

Ipinaramdam ni Partida, 26-gulang na may 26-4-2 record, ang kanyang presensiya nang idikit niya ng husto ang kanyang mukha sa mukha ni Paraga at nagsigawan ang mga tao.

Itinutok ni Pagara ang kanyang kamao sa baba ni Partida at hindi ito nagustuhan ng Mexicano at nagkainitan ang dalawa pero inawat naman sila agad ng kanilang mga handlers.

Kinalaunan ay natawa lang si Pagara at sinabi niyang ang totoong laban ay mangyayari ngayong gabi at kumpiyansa siya sa kanyang tsansang manalo.

“Kayang-kaya. Agre-sibo siya kaya naging agresibo rin ako,” sabi ni Pagara.

Show comments