Unang panalo ng Firm Grip sa buwan ng Hunyo
MANILA, Philippines - Buo na dumating ang kabayong Firm Grip para makatikim ng panalo sa buwan ng Hunyo matapos ang pista noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Si RM Telles ang siyang sumakay sa siyam na taong gulang kabayo na inilagay agad sa pangaÂlawang puwesto saka piÂnakawalan ang lakas nito sa huling 50-metro.
Ang The Avenger ni EP Nahilat ang agad na kumuha sa liderato sa Special Handicap Race pero napasama ito dahil ubos na ito sa rekta at hindi na naÂsabayan ang pagdating ng nanalong kabayo.
Ikalawang panalo ito ng Firm Grip sa huling tatÂlong takbo at ang di naÂpaboran sa pitong naglaban ay naghatid ng P33.00 sa win. Ang 5-4 forecast ay mayroong P382.50 dibidendo.
Ang Royal Choice na paborito dahil galing ito sa panalo sa huling takbo ay hindi tumimbang.
Mga paboritong kaÂbayo ang nanalo sa huÂling araw ng pista noong naÂkaraang taon at ang DiÂvine Eagle ang siyang piÂnakapaborito na nanalo sa Handicap Race 8 sa 1,500-metro distansya.
- Latest